AKO po si Ding Arraza na nagtatrabaho sa isang warehouse ng salamin sa Novaliches, Quezon City. Isa po akong contractual employee. Pangalawang renewal na po ng kontrata ko nang tanggalin ako sa trabaho at hindi na pinapasok.
Nahuli ako ng supervisor ko naninigarilyo sa loob ng compound ng kompanya. Nagmakaawa naman po ako na patawarin sa kasalanan ko at hindi ko na uulitin lalo na at may pamilya na ako. Pero kinabukasan sa aking pagpasok sa trabaho ay hindi na ako pinaayagang makapasok ng gwardiya sa loob ng kompanya. Nagulat na lamang po ako sa desisyong ito. Sana ay bi-
nigyan muna ako ng warning at hindi agad na tinanggal sa trabaho. Gusto ko lang sanang malaman kung makatwiran ba ang agad nilang pagtatanggal sa akin sa trabaho. Sana ay matulungan ninyo ako. Salamat po.
Ding Arraza,
Novaliches, Quezon City
REPLY: Para sa iyong katanungan Mr. Arraza, dapat ay dumaan sa procedural due process ang pagsibak sa iyo sa trabaho.
Una, dapat ay binigyan ka ng notice of intent to dismiss na kung saan nakasaad ang ground ng iyong termination.
Pangalawa, kinakaila-ngang magpatawag ng hearing o conference na kung saan ay mabigyan ka ng pagkakataon para magpaliwanag o ibigay ang iyong panig.
Ikatlo, dapat ay binigyan ka ng notice of dismissal na kung saan na-patunayan na may basehan ang kanilang pagsibak sa iyo sa trabaho.
Ikaapat, kinakailangang mabigyan ka muna ng notice of dismissal at least 30 days bago ang date of termination.
Kinakailangang bigyan ng kopya ang Regional Office ng Department of Labor and employment (DOLE) kung saan ang lokasyon ng trabaho.
Kung hindi dumaan sa nabanggit n proseso ang pagsibak sa iyo sa trabaho, maaaring lumapit sa Singe Entry Approach officer at ireklamo ang iyong employer, dito ay ipatatawag ang iyong employer at paghaharapin kayo para masolusyunan ang iyong reklamo. Sana ay nasagot naming ang iyong katanu-ngan.
Dir. Nicon Fameronag
DOLE director/ spokesperson
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.