Insurance agent naka-jackpot sa lotto

Mega Lotto 6/45


Isang insurance agent mula sa Bulacan ang isa sa dalawang maghahati sa P9 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 noong Hunyo 22.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay 71-anyos, may-asawa at dalawang anak. Nagkakahalaga ng P4.5 milyon ang kanyang iniuwi.
Kinuha niya ang mga lumabas na numerong 1-7-12-19-23-43 mula sa kaarawan at edad ng kanyang mga mahal sa buhay.
Nagkakahalaga ng P60 ang kanyang itinaya ng manalo.
Plano niyang bayaran ang kanyang utang at maglaan para sa kanyang mga anak.
Ang isa pang nanalo mula sa Bacolod ay hindi pa kumukuha ng kanyang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong

Read more...