Naglabas ng hold departure order ang Sandiganbayan Third Division laban kay Cedri Lee kaugnay ng kasong graft at malversation na kinakaharap nito.
Inatasan ng korte ang Bureau of Immigration and Deportation na huwag palabasin ng bansa sina Lee at dating Mariveles Mayor Angel Peliglorio ng walang pahintulot mula sa kanila.
Ang HDO ay bunsod ng kasong isinampa ng Office of the Ombudsman kaugnay ng kasunduan ng lokal na pamahalaan ng Mariveles at Izumo Contractors Inc., para sa pagpapatayo ng palengke noong Maros 27, 2005.
Nagkakahalaga ng P23 milyon ang pagpapatayo ng Mariveles Public Market at ibinigay ang kontrata sa Izumo, ang kompanya ni Lee.
Pinayagan umano ni Peliglorio ang pagbabayad sa kompanya ni Lee na paglabag sa rules ng Commission on Audit lalo ay hindi natuloy ang pagtatayo ng palengke.
Si Lee ay dawit sa pambubugbog sa aktor at TV host na si Bong Navarro sa Ritz Condominium sa Makati City noong Enero 2014.
Hold departure order inilabas vs Cedric Lee
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...