Kailan makapag-aasawa? | Bandera

Kailan makapag-aasawa?

Joseph Greenfield |July 02,2015
facebook
share this

Kailan makapag-aasawa?

Joseph Greenfield - July 02, 2015 - 01:54 PM

Sulat mula kay Guianelly ng Gayonga, Midsayap, Cotabato

Dear Sir Greenfield,

April 7, 1975 ang birthday ko at nitong nakaraang birthday ko, eksaktong 40 na ang edad ko subalit ang labis kong pinagtataka until now, hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Gusto ko na sanang mag-asawa, hanggat nagkakaroon pa ako para magka-baby. Sa palagay nyo Sir Greenfield, makapag-aasawa pa kaya ako at kung makapag-aasawa kailan naman ito mangyayari?
At kung sakaling makapag-asawa, magkaka-baby pa kaya kami at kung lalaki ba o babae ba ang una naming magiging baby.

Umaasa,
Guianelly Midsayap, Cotabato
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Kahit na napadulo kapansin-pansin namang may malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kahit na 40 pa ang iyong edad at kahit na lumagpas pa ng 40, walang alinlangan, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran – makapag-aasawa ka at magkakaroon ng isang simple at masayang pamilya.

Cartomancy:

King of Hearts, Nine of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1..). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking may stable job sa isang kumpanyang may kaugnayan sa pagkain, na halos hindi rin nalalayo ang edad mo sa edad niya ang darating sa buwan ng Setyembre sa taon ding ito ng 2015.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending