VP Binay nakikipag-areglo na kay Jamias

NAKIKIPAG-areglo at humingi na umano ng paumanhin si Vice President Jejomar Binay, ayon kay Southern Police District Deputy Director for Administration Sr. Supt. Elmer Jamias.

Sa isang panayam, sinabi ni Jamias na tinawagan siya ng dalawang tauhan ni Binay para hilingin na makipagkita siya sa bise presidente para personal umano itong humingi ng paumanhin.

“Tinawagan po ako ng tagapamagitan ni VP Binay, gusto daw makipag-usap sa akin ni VP Binay, kakausapin daw po ako at hihingi ng paumanhin,” sinabi ni Jamias.

Tumanggi naman si Jamias na pangalanan ang dalawang tao mula sa kampo ni Binay na kumausap sa kaniya.

Sa kabila nito desidido si Jamias na ituloy ng pagsasama ng reklamo laban sa bise presidente dahil sa umano ay pananakit, panlalait at pananakot sa mga pulis na nagbantay sa Makati City Hall nitong Martes.

Giit niya na ipinatutupad lamang niya ang batas at trabaho lang ang kanyang ginagawa.

 

Read more...