Nakiisa ang mga bida ng Kapuso primetime serye na The Rich Man’s Daughter sa pagdiriwang ng Amerika dahil sa pagsasabatas ng same-sex marriage.
Dahil isa ang TRMD sa mga nagsusulong ng pagkakapantay-pantay pagdating sa pag-ibig, nagdaos ng isang photoshoot ang Kapuso stars na sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Katrina Halili, Chynna Ortaleza at Sheena Halili.
Sa hashtag na #TRMDLoveWins, makikita sa Instagram ang karamihan ng mga litratong kanilang ginawa na sinuportahan naman ng kanilang mga tagahanga at nagbigay ng mga magagandang komento sa mga ito.
May kani-kanila ring post ang mga bida ng serye sa kanilang Instagram account na umani rin ng iba’t ibang klase ng suporta. Isang fan ang nagsabi na “Hindi matuloy-tuloy na kiss..bitin always” at isa pa na medyo agresibo, “Sarap itulak! Tagal ituloy eh. #hopia.”
Patuloy na tutukan ang The Rich Man’s Daughter gabi-gabi sa GMA Telebabad. Ito’y sa direksiyon pa rin ni Dominic Zapata.