GMA 7 reporter di daw nanigaw ng bata sa Butuan

ITINANGGI ng isang reporter ng GMA 7 ang mga akusasyon laban sa kanya matapos siyang kasuhan ng child abuse dahil sa pamamahiya ng mga estudyante sa isang campus journalism workshop sa Butuan City.
Sinabi ni Julius Anthony Segovia na wala siyang mapapala kung ipapahiya ang mga bata.
“I categorically deny all accusations hurled against me. It is not in my character to humiliate or abuse children as I also have nephews or nieces that I love dearly,” sabi ni Segovia sa isang pahayag na kanyang ipinost sa kanyang Facebook account kahapon.
Aniya, nagdesisyon siyang magsalita dahil apektado na rin ang kanyang pamilya sa mga akusasyon laban sa kanya.
Naghain ang mga magulang mula sa Butuan City ng kasong child abuse laban kay Segovia matapos umanong ipahiya ang mga estudyante sa isinagawang campus journalism workshop noong isang linggo.
Sa isang ulat, sinabi ng Interaksyon na pina-blotter si Segovia noong Hunyo 28 dahil ipinahiya niya ang mga estudyante dumalo sa workshop na dinaluhan ng 400 mag-aaral at mga guro.
Galit na galit umano si Segovia at pinalabas ang dalawang estudyante matapos kuhaan siya ng isa sa mga mag-aaral habang natutulog.
“I was so afraid because he was angry, and I felt embarrassed as everyone was looking at me,” sabi ng siyam-na-taong-gulang na bata.
Ayon sa ulat, aabot sa 80 sa mga kalahok, na nagbayad ng P2,800 hanggang P3,000 bawat mag-aaral, ang nag-walkout matapos ang insidente.

Read more...