Angel pabor sa same sex marriage: huwag na nating idamay ang Diyos! | Bandera

Angel pabor sa same sex marriage: huwag na nating idamay ang Diyos!

Ervin Santiago - July 01, 2015 - 02:00 AM

angel locsin

INULAN ng batikos at panlalait si Angel Locsin mula sa mga moralista nang ipagtanggol niya ang LGBT community at ibandera ang kanyang pagpabor sa same sex marriage sa Pilipinas.

Matigas kasi ang paninindigan ni Angel sa isyu ng karapatan ng mga lesbian, gay, bisexual at transgender sa bansa, lalo na sa usaping same-sex message. Sa kanyang Instagram post kasi kamakailan ay ipinagsigawan ng aktres na kailangang kilalanin din ng pamahalaan ang mga karapatan ng LGBT community tulad ng straight na lalaki at babae sa Pilipinas.

Kinampihan din ng aktres ang isang Jesuit priest na si Fr. James Martin Jr. na nagsabing mas maging bukas ang pamunuan ng Simbahang Katoliko sa pagpapalaganap ng wastong Katekismo, “That we should treat our LGBT brothers and sisters with ‘respect, sensitivity, and compassion.’”

Wala mang sinabi ang Jesuit priest tungkol sa same-sex marriage, may ilang followers sa Instagram si Angel na hindi sang-ayon sa kanyang paniniwala tungkol sa kabaklaan at katomboyan.

Ito’y sa gitna na rin ng mainit na usapin tungkol sa naging desisyon ng U.S. Supreme Court na gawing legal ang same-sex marriage kahit sa mga lugar kung saan ipinagbabawal ito noon.

Tila napikon nga si Angel sa mga netizens na nagsabing imoral raw at taliwas sa turo ng “biblical laws” ang same-sex marriage. Chika ni Angel, mali ang husgahan agad ang LGBT community.

Marami raw siyang kakilala na gay at lesbian na kapuri-puri ang mga ginagawang kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa. Paliwanag pa ng girlfriend ni Luis Manzano tungko sa LGBT community, “Kung magiging insensitive, rude, and self righteous ho tayo, ‘wag na ho natin idamay ang Diyos.

That’s very ungodly and a huge turn off.  “The statement says we should show respect, sensitivity, & compassion to one another at naniniwala ho akong ‘yan ang gusto ng Diyos. ‘Yan ang tama. 🙂 At hindi naman ho tayo Diyos para manghusga,” sey pa ng aktres.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending