Multi-awarded actor Jiro Manio palaboy-laboy sa NAIA, nanghihingi ng pagkain, damit | Bandera

Multi-awarded actor Jiro Manio palaboy-laboy sa NAIA, nanghihingi ng pagkain, damit

|June 30,2015
facebook
share this

Multi-awarded actor Jiro Manio palaboy-laboy sa NAIA, nanghihingi ng pagkain, damit

- June 30, 2015 - 06:21 PM

APAT na araw na umanong palaboy-laboy sa NAIA Terminal 3 ang pinakabatang multi-awarded actor na si Jiro Manio, at nanghihingi ng pagkain at damit, ayon mismo sa ilang mga empleyado ng airport.

Suot ang t-shirt na galing sa isang estranghero, at shorts, si  Jiro, na sa totoong buhay ay si Jiro Katakura, 23, ay pakalat-kalat sa terminal lobby kung saan naroroon ang hilera ng mga restaurant, at nanghihingi ng makakain.

Si NAIA terminal 3 security guard Frank Sorca, na unang nakakilala kay  Manio, ay nakaramdam ng awa para sa batang aktor nang makitang palaboy-laboy sa loob ng terminal.

“Para siyang hindi kumain at ang kanyang mga damit ay madudumi,” kwento ng guard habang isinasalarawan ang hitsura ng aktor.  Binigyan niya rin umano ito ng pagkain, malinis na damit at ilang gamit pampaligo.

Ngunit ang tanging ginamit lamang umano nito ay ang mga used clothes, at tumanggi na maglinis ng katawan, kahit ang maggupit ng kuko.

Nang tanungin ng security guard kung bakit siya namamalagi sa airport, sinabi umano ng aktor na umalis siya sa kanilang bahay dahil marami siyang kaaway roon.

Dumating umano ang aktor sa terminal na maraming sugat at galos sa katawan.

Ayaw na umanong umalis ng aktor sa terminal dahil doon ay hindi siya masasaktan.

“Pero nung magkita kami ng ibang araw, iba na ang kwento niya,” saad ng security guard, na may bahid ng paghihinala na maaaring mentally unstable si Manio.

Noong 2004, ang 12-anyos na si Manio ay nanalo sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Award bilang best child actor para sa pelikulang Magnifico.   Nanalo rin ito ng  Gawad Urian at Luna or Film Academy of the Philippines bilang best actor  para sa nasabi ring pelikula.

Ilang beses naipasok sa rehabilitation center ang aktor dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending