Hindi rin maipaliwanag ni Julie Anne San Jose kung bakit bigla na lang nasira ang friendship nila ni Alden Richards. Sa presscon ng bagong single at music video ng singer-actress, ang “Tidal Wave”, nagpaliwanag ito tungkol sa naunsiyaming relasyon nila ng Kapuso matinee idol.
Halos tatlong taon na palang hindi nagpapansinan at nag-uusap ang dating magkaibigan. Bakit ba sila nagkaroon ng isyu? “A… that I wouldn’t have to answer. Hindi ko rin po alam kung bakit.
“As far as I know, wala naman din po akong naging problema sa kanya. Hindi ko lang po alam kung bakit ganun ang nangyari,” pagtatapat ng dalaga. May mga chika na bigla na lang silang hindi nagpansinan dahil pareho silang naapektuhan ng mga negang tsismis sa kanila.
Sey pa ni Julie Anne, “Well, hindi ko rin po alam. Siguro may mga factors din siguro na ganu’n. May mga factors kung bakit naging ganu’n yung nangyari.”
Inamim ng dalaga na si Alden ang unang hindi namansin, “Kasi ako, nasa U.S. po ako nu’n, so wala akong alam kung ano yung mga ganap dito, hindi ko na alam.”
Umaasa ba siya na magkakaayos pa sila ni Alden? “Well, siguro darating din naman yung point, siguro, na yun, di ba?‘Tsaka pagka may mga ganitong klaseng mga grievances, kailangan talaga dapat inaayos, kaysa yung naka-hang, di ba?
Ako po kasi, tapos na ako sa phase na yun, e, sa pagtataka, pagtatanong, lahat. Kapag alam kong wala naman akong ginawa, deadma lang ako, wala naman sa akin yun.”
May tsismis na kaya raw bigla siyang iniwasan ni Alden ay dahil binasted niya ito, “We understood each other. Pero, like as friends. Hindi naman (niya ako niligawan), but we were okay before I left (for the States).
And then, after that, nu’ng nandun na ako, hindi ko alam kung anong nangyari.“Basta ang nabalitaan ko na lang sa Twitter na may mga ganito pala, to the point na nagka-unfollow-han, ganu’n,” sey pa ni Julie Anne.
Ang latest, balitang nag-iwasan muli ang dalawang Kapuso stars sa isang showbiz event recently. Ang chika, nang dumating daw si Alden sa party ay bigla namang umalis si Julie Anne.
Pero sa interview kay Alden, sinabi raw nitong wala na silang isyu ni Julie Anne pero inaming hindi pa sila nagkakausap nang masinsinan, “On my part, okay naman po kami. Past issue na yun, tapos na siya and it’s been awhile, kaya for me po, we’re okay.”