Sarah, Piolo bantay-sarado kay Mommy Divine sa shooting

sarah geronimo

Napaka-low profile ng director nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo sa latest movie ng Star Cinema titled “The BreakUp Playlist” na si Dan Villegas. Si Dan din ang director ng blockbuster movie na “English Only Please” na kasali sa Metro Manila Film Festival last year.

Four years pala siyang nagtrabaho sa Star Cinema bilang cinematographer. Girlfriend niya ang isa ring mahusay na director na si Antoinette Jadaone na nagdirek ng “That Thing Called Tadhana” and “Relaks It’s Just Pagibig.”

First time naman ni direk Dan to do a film na siya ang director sa Star Cinema. Kaya raw hindi talaga maiaalis na magkaroon ng pressure sa kanya ang “The BreakUp Playlist” na ipapalabas na on July 1.

But at the same time, proud siya sa movie na ginawa niya for Piolo and Sarah. Ayaw namang sabihin ni Direk Dan kung may kissing scene na ba finally si Sarah sa movie with Piolo, “Surprise na lang po.

Syempre para manood ang viewers,” ngiti ni Direk Dan who is only 32 yeard old. Kaedad niya si John Lloyd Cruz, huh!
Hindi naman daw siya nagkaproblema sa mother ni Sarah na si Mommy Divine sa set ng “The BreakUp Playlist.”

“Nandu’n po siya pero wala naman pong ganoon na nangialam siya. Sobrang okey ako sa kanya. As in nagulat ako sa set kasi sobrang okey ako doon sa cast,” pahayag niya.

Admittedly, na-intimidate siya noong una kina Piolo at Sarah. Film student daw kasi siya noon at pinapanood lang niya sina Piolo at Sarah, “Nu’ng simula starstruck ka pero nu’ng nagtuluy-tulyo na, okey naman.”

May tatak blockbuster na siya sa takilya, Box-Office King and Queen pa ang kanyang mga artista sa movie. For sure, gigiba ng records sa takilya ang “The Break Up Playlist.”

Read more...