Igan: Nag-level up na ang mga kriminal ngayon sa Pinas!

arnold clavio

Masarap kausap ang mga nasa news and current affairs. Hindi kasi masyadong showbiz ang dating sa amin kapag nagkakakuwentuhan kami sa mga events at nagsasabihan na pinanonood namin ang programa ng isa’t isa.

“Gustong-gusto ko ang mga blind items mo (sa show naming Chismax sa DZMM Teleradyo). Nahuhulaan ko yung iba, pero madalas hindi,” ang natatawang sey sa amin ni Igan Arnold Clavio nang makatsika namin sa presscon ng Fully Loaded Afternoon block.

Host ng Alisto si Igan at masayang-masaya ito na naka-one year na sa GMA 7 ang show though ilang years na rin itong namayani sa GMA News TV . “Siyempre iba pa rin kapag nasa mainstream ka.

Dahil pinaganda ang afternoon block, maraming choices ang viewers ngayon,” dagdag nito referring to Tunay na Buhay ni Rhea Santos, Powerhouse ni Kara David, Reporter’s Notebook nina Jiggy Manicad at Maki Pulido at Love Hotline ni Jean Garcia.

Marami pa ring discoveries sa show si Igan at isa na riyan ang katotohanang sa panahon ngayon ay hindi na basta-basta natatakot ang mga kriminal and yes, “Nag-level up na rin sila,” sey nito.

Kung dati kasi ay may pattern ang mga masasamang loob sa paggawa ng krimen, sa ngayon daw ay iba-iba na ang istilo ng mga ito. Wala na rin itong pinipiling oras at lugar, kaya’t bahagi ng kampanya ng show nilang maging alisto sa pagbibigay ng tips at ituro sa mga tao ang praktikal na paraan para mas maging safe at secure ang kanilang buhay.

Bahagi rin ng show nila ang mag-feature ng Kapuso personalities para mag-immerse sa iba’t ibang misyon ng programa.

Read more...