Bagong Bea Bianca ng Pangako Sa ‘Yo binalaan: mag-ingat sa KathNiel fans

sarah carlos

Nakahanap na ang Star Creatives ng ABS-CBN ng gaganap bilang Bea Bianca sa seryeng Pangako Sa ‘Yo, ang karakter na magiging panggulo sa loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kuwento bilang sina Angelo at Yna.

Si Sarah Carlos na isang Accounting student sa San Beda College ang sinuwerteng napili para gampanan ang dating role ni Vanessa Del Bianco sa Pangako Sa ‘Yo na isang sosyalera at malanding teenager.

Isa si Sarah sa mahigit 200 na dalagang nag-audition sa #PSYTheSearchForBeabianca na isinagawa nationwide. Ayon kay Direk Olive Lamasan, “Sabi ko sa kanila (mga nag-audition), we’re giving you time to think.

Kung hindi okay sa iyo ang magpa-sexy, to wear bikini or swimsuits, kung ayaw n’yo ma-bash kasi third wheel kayo sa Kathniel love team, then this is not for you.

“Sabi namin, think about it. And among the six, siya ang ayaw nang mag-isip. She was already ready.”

Read more...