Claudine sa pagbabalik-Kapamilya: Grabe, nanginig talaga ’ko!

claudine

“Nanginig ako!” Ito ang inamin ni Claudine Barretto sa muli niyang pagtapak sa ABS-CBN matapos ang anim na taon.
Kasali ang aktres sa pelikula ng Star Cinema na “Etiquette for Mistresses” directed by Chito Roño, kung saan makakasama niya sina Kris Aquino, Kim Chiu at Iza Calzado. Ito ang pagbabalik ni Claudine sa pag-arte after three years.

“Ako, sobrang happy. Ang tagal kong nawala… Siyempre ’yung nerbiyos, sobra-sobra sa akin talaga. Nanginginig pa ako kanina,” sey ni Claudine.

Naging abala kasi si Claudine sa legal battle niya sa kanyang estranged husband na si Raymart Santiago, at sa pag-aalaga sa dalawa nilang anak na sina Sabina at Santino.

 

Read more...