Chynna: Mas na-appreciate ko ngayon ang pagkababae ko!

chynna ortaleza

MARAMING natututunan ang Kapuso actress na si Chynna Ortaleza sa pagganap niya bilang Batchi Luna, isang proud na butch lesbian, sa GMA Telebabad series na The Rich Man’s Daughter.

Ayon sa kanya komportable na siya sa kanyang masculine side at maliban doon, mas lalo pa niyang naa-appreciate ang kanyang pagkababae. “I’m comfortable with my masculine side already.

I mean just because I tapped into it doesn’t make me parang a man and that makes me comfortable kasi I’m getting to know myself better as a person.

“And apart from that, mas na-appreciate ko yung pagkababae ko. Parang all of a sudden I see the beauty of being a woman, ‘yung softness, ‘yung pagiging gentle.

It’s a good role and it made me discover myself better. So blessing talaga siya,” kuwento ni Chynna. Pagdating naman sa takbo ng istorya at sa kanyang karakter, kaabang-abang ang mga mangyayari lalo na’t bumalik na rin ang kanyang partner na si Abby, played by Stephanie Sol. “Makikita nila yung family dynamic ni Batchi.

Kung ano ‘yung lovelife niya, how she takes care of her anak-anakan. Tapos may papasok na mga problems sa happy family nila,” aniya pa.

Huwag palampasin gabi-gabi ang The Rich Man’s Daughter pagkatapos ng Let the Love Begin sa GMA Telebabad kasama pa rin sina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Gloria Romero, Al Tantay, Mike Tan, Katrina Halili, Sheena Halili at marami pang iba sa direksiyon ni Dominic Zapata.

 

Read more...