Kris madaling mapikon pag tinatawag na bading si Bimby

kris aquino

Si Kris Aquino ang ginawang pulutan nu’ng minsan sa isang umpukan ng mga kababayan nating puro propesyonal. Ano bang abala sila sa kani-kanilang trabaho? May panahon pa rin sila sa showbiz, lalo na sa mga artistang ikinaloloka nila ang mga ginagawa, katulad ni Kris Aquino.

Punto ng isang doktora, “Napipikon na palagi ngayon si Kris. Palakain na siya ng patola ngayon. May pumansin lang sa anak niyang si Bimby, sumasagot na agad siya, pikon na pikon siya agad.

“Siya rin naman kasi ang dapat sisihin, isinabak niya agad sa showbiz ang anak niya, instead na basta pag-aralin na lang. Ayan tuloy, nasasabihang bading ang anak niya.

“Kung ginawa niyang pribado ang buhay ng anak niya, wala siyang makakaaway, walang papansin sa anak niya. E, kaso nga, siya rin naman kasi ang kuwento nang kuwento tungkol sa kadaldalan ng anak niya!” madiing komento ng isang doktora.

Naaaliw na naiinis naman kay Kris ang isang manager ng agency na pinagkukunan ng mga kasambahay ng mga kilalang personalidad.

“Nakakaloka siya, magsasalita siya ng A ngayon, pero kinabukasan, B na ‘yun. Para siyang si Senator Miriam Santiago, iba-iba ang mga sinasabi niya. Bigay-bawi si Kris, Walang paninindigan!”

Pero isa lang ang ibig sabihin nu’n. May panahon para kay Kris Aquino ang  ating mga kababayan. Walang pinipiling antas sa lipunan ang presensiya ng aktres-TV host, naaapektuhan sa kanya ang lahat, at ‘yun ang pinakamahalaga.

Read more...