Paolo sikat sa Canada; cover ng magazine sa iba’t ibang bansa

paolo balesteros

Ibang level na talaga ang kasikatan ni Paolo Ballesteros.

Imagine, maging sa shows sa ibang bansa ay hindi na mapigilan na mai-feature ang kanyang kakaibang makeup transformation.

Isang nagmamalasakit na friend ang nag-inform kay Paolo na nai-feature ang Eat Bulaga host sa isang show sa Canada recently.

Siyempre pa’t tuwang-tuwa ang binata sa magandang balitang iyon. Ang isa pang nakakatuwa ay featured din si Paolo sa isang magazine abroad. Talagang nasa cover page pa siya ng magazine.

Talagang hindi maikakailang sikat na sikat na si Paolo dahil sa kanyang makeup transformations. Hindi na kami magtataka kung one day ay sumikat din siya sa Hollywood.

Napakarami nang ginaya ni Paolo, mula sa mga local stars hanggang sa Hollywood icons.

Read more...