Coco gamit na gamit ni Julie Anne


coco martin

Gamit na gamit naman ang pangalan ni Coco Martin sa promo ng album ng GMA 7 artist na si Julie Anne San Jose. Natsismis kasing nabuntis siya ni Coco, pero sabi naman ni Julie Ann ay hindi sila magkakilala nang personal ng aktor kaya paano siya mabubuntis.

Someone whispered na baka kamukha lang ni Coco ang guy na tinuturong dyowa ng girlita. Lahat na lang ng entertainment pages carried that story, overkill pa nga ang dating sa amin.

Wala ngang basis tapos naka-headline. Kaloka naman itong si Julie Anne San Jose – in the first place, she should not have even entertained that question. Nakakahiya on the part of Coco.

Para namang napaka-desperate move para pag-usapan. Hindi actually nakatulong kay Julie Anne na mahusay pa naman daw na singer. I haven’t seen her perform kasi kaya hindi ko alam na magaling na singer pala siya.

Yung unang album niya ay nag-platinum daw though hindi ko narinig sa airplay, or baka narinig ko nga pero hindi ko identified na siya pala ang singer. Yung ganoon.

Pag may ganoong issues sana, advise lang sa mga celebrities, huwag gamitin kung wala namang basehan. Natural that if a newspaper carry a headline saying, “Julie Anne San Jose, nabuntis ni Coco Martin”, babasahin talaga ng mga tao iyan only to find out na wala naman palang katotohanan.

Worse is hindi naman pala personal na magkakilala ang dalawa. Cheap, di ba?

 

Read more...