Warning kay KC: Matutulad kay Sharon kapag hindi nag-ingat

sharon cuneta

Napakaraming nang-uurirat sa amin kung totoo raw bang pumayat na si Sharon Cuneta.

Ang pagbabawas ng timbang ng Megastar ay tinututukan ng ating mga kababayan na parang pag-aabang nila sa pagbaba ng presyo ng bigas at gasolina.

Ang sabi raw kasi nu’n ay thirty pounds na ang nawala sa singer-actress, pero nang mapanood naman nila sa telebisyon si Sharon pagkatapos mamahinga ay parang wala namang nangyari, ganu’n pa rin daw siya kalapad at kalaki.

Siguro nga ay ito na ang panahon na hindi na maibabalik pa ni Sharon ang dati niyang timbang, kahit anong disiplina pa siguro ang gawin niya sa puntong ito ay mabibigo na siya, malaki na siyang masyado para mahabol pa niya ang dating timbang na hindi man siya sexy ay hindi rin naman siya sobrang laki.

May mga nagsasabing kailangang agapan na agad ng kanyang panganay na si KC ang katawan nito, tulad ng kanyang mommy ay big bone din ang dalaga, kapag hindi dinisiplina ni KC ang kanyang sarili ay baka matulad din ito kay Sharon na may matinding problema ngayon sa pagbabawas ng timbang.

Naiintindihan namin ang madalas sabihin ni Sharon na kahit siya’y naiinis na kapag humaharap siya sa salamin. Lalo na kapag nakikita niya ang kanyang retrato nu’ng payat pa siya, lalo siyang inis na inis, gusto niyang bumalik ang dati niyang timbang.

Milyonarya si Sharon Cuneta, lahat ng materyal na bagay na gusto niya ay nabibili niya, pero totoong-totoo na may mga bagay sa mundo na hindi kayang resolbahan ng salapi.

Read more...