Sey mo Dennis…Jen, Sam bagay na magdyowa

sam milby

Nagpadala sa amin ng mga litrato nina Sam Milby at Jennylyn Mercado ang Cornerstone (management ni Sam) na kasalukuyang nasa New York City ngayon para sa shooting ng pelikula nilang “Pre-Nup” under Regal Entertainment directed by Jun Lana.

Base sa mga litratong natanggap namin ay kuha ang mga eksena nina Jen at Sam sa Times Square, tumayming din na may kaibigan kaming nakakita sa dalawa.

Say sa amin ng kaibigan naming nakabase sa NYC at nagtatrabaho sa isang kilalang department store doon, “Uy, nakita ko sina Sam Milby at Jennylyn nagkukuwentuhan sa isang tabi parang may hinihintay.

Ang ganda pala ni Jen sa personal, ang sexy-sexy. Si Sam din, Amerikano talaga siya kaya hindi mo masyadong mapapansin na artista pala siya.

“Totoo ba ‘yung balita na nagkabalikan na sila ni Dennis (Trillo), nabasa ko kasi sa Twitter, sila na uli?” tanong ng aming kaibigan.

Nabanggit din niya na walang masyadong Filipino sa nasabing lugar, “Walang nakakakilala sa kanila (Sam at Jen) kasi wala namang Pinoy na nakakita sa kanila.

Nadaanan ko lang kasi papunta kami ng H&M malapit sa Broadway. Anong movie ba ‘yung ginagawa nila?” Nagsasabi naman ng totoo ang kaibigan namin dahil noong nasa Times Square rin kami noong Disyembre ay wala rin kaming nakitang Pinoy.

Dagdag pa ng kaibigan namin, bagay daw sina Sam at Jennylyn, “Bagay naman sila, guwapo at maganda. Pero di ba, sina Dennis at Jennylyn daw?” balik-tanong sa amin.

Hay naku, hindi pa rin talaga nabubura sa isipan ng mga tao ang naging relasyon nina Dennis at Jen. Ilang beses nang nagdenay sina Dennis at Jen na nagkabalikan sila, ang lagi nilang sinasabi, bumabawi lang sila ngayon sa isa’t isa kaya madalas silang nakikitang magkasama.

Suggestion namin, bakit hindi na lang isama si Dennis sa pelikulang “PreNup” para mas maging kaabang-abang ito sa mga manonood.

 

Read more...