Si Pauleen Luna ang unang lumapit kay Dina Bonnevie nang magkita sila kamakailan. Si Dina ang ex-wife ng boyfriend niyang si Vic Sotto at nanay nina Oyo at Danica.
Ayon kay Poleng, pormal siyang nagpakilala kay Dina, “Okey naman po, she’s very warm. Ano lang po talaga, gusto ko lang po siyang unahan talaga na ipakilala ang aking sarili. And everything went well naman po.
“I wanted to introduce myself. Ayoko na yung sa hallway pa, sa harap ng maraming tao. Baka maraming masabi, nagkusa na lang ako. She’s very warm.”
Nang tanungin kung ano ang reaksiyon ni Vic sa pagkikita nila, “Okey naman, nagkita rin sila after. Pero nakasalang na ako nu’n (sa Eat Bulaga), hindi ko na nakita. He’s actually very happy.”
MOST READ
LATEST STORIES