Enchong pinalabas agad sa Bahay ni Kuya

enchong dee

PINALABAS na rin pala si Enchong Dee sa Bahay ni Kuya, ito’y dahil magiging co-host na rin siya ng nasabing reality show ng ABS-CBN.

Akala kasi ng viewers ay magiging boarder ni Kuya si Enchong sa PBB 737, “May pinagawa lang na task sa kanya tapos pinalabas na rin,” say ng aming source.

Pero nabanggit din sa amin nu’ng una na hindi naman talaga nagtagal ang aktor sa loob ng PBB house dahil pagkatapos kunan ang ilang eksena niya sa loob ay pinauwi rin siya.

Mabuti na rin ‘yun dahil kailangan nang mag-promote nang husto si Enchong para sa “DeeTour” concert niya sa Music Museum ngayong Hulyo 3 at Hulyo 10.

At dahil matagal na hindi napanood si Enchong sa telebisyon ay magiging regular host na nga siya sa PBB 737 kasama nina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales at Robi Domingo, bukod pa ‘yan sa Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito kung saan kasama naman niya si Richard Yap na napapanood tuwing Linggo sa ABS-CBN handog pa rin ng Dreamscape Entertainment.

Read more...