Di pa tumitibok ang puso, baka magmamadre?

MORNING po, Manang Pher and tropa,

Hingi po sana ako advice. Ako po si Kate, 22 years old at taga-Masbate. Sa edad ko pong ito, ni minsan ay di ko pa naisip na magmahal dahil para sa akin sapat na yung pamilya ko at mga kaibigan. Hindi ko inisip na magkakaroon ako ng BF.
Pero po may nanliligaw sa akin, at isa siya sa pinakamatatalik kong kaibigan. Ano po kayo ang gagawin ko?
Kate, 22, Masbate

Hello Kate ng Masbate!

Thank you sa pag-share ng problem. I’m glad na may contentment ka sa iyong family at mga kaibigan. That’s actually a healthy sign of your well-being.

Sa totoo lang, ang pagmamahal naman sa opposite sex ay hindi pinaplano. Kusang dumarating iyan, at ‘ika nga, the right person will find you and you will find that person lovabale – this person is someone whom you can share a future with. Maaaring hindi pa ngayon, dahil 22 is not that old my dear.

Napakadami mo pang pagdadaanan sa buhay. Who knows, may bigla na lang magpapatibok sa natutulog mong puso, ‘di ba?

Sa tingin ko, just continue to love your family and friends, once you feel there is someone who deserves your love too, then give that person a chance.

Mas masaya at lalo ka pang gaganahan sa buhay lalo na kapag nakahanap ka ng taong mamahalin. Trust me. Good luck my dear, all the best!

Payo ng tropa
Hi Kate,

Bilib naman ako sa iyo kasi mas priority mo pa rin ang family and friends mo.

Mangilan-ngilan na lang ang ganyang pag-uugali, lalo na sa panahon ngayon.

Bata ka pa naman neng, mas marami pang dapat pagtuunan ng pansin at pagdaanan sa buhay.

Sabi mo nga yung isa sa matalik mong kaibigan ay nanliligaw na sa iyo. Kailangan mo rin mag-entertain ng mga manliligaw, makipag kuwentuhan ka rin sa kanila kahit minsan, oks lang naman na makipag palitan ng ideas at mga opinyon, I’m sure may mga bagay na matututunan ka.

Huwag kang matakot magmahal at umibig dahil ito’y napakasarap!
Good luck!
Ate Jenny

Ay, hija baka meron kang calling. I mean baka you are destined to become a nun. Have you ever thought about that? Aba, that is a noble thing to do.
O baka hindi pa lang talaga mo panahon para magmahal. You know, ang pagmamahal ay hindi pinaplano dahil kusa iyang dumarating.
Either way, hindi ka dapat matakot sa kung ano ang magiging desis-yon. As long as you find happiness and peace in every decision you make.
Cathy via Facebook

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or jenniferbilog@yahoo.com.ph o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...