‘Ayokong magmarunong, ayokong maglider-lideran!’

VICE GANDA

VICE GANDA

IPINALIWANAG na ni Vice Ganda sa amin ang kaugnayan niya sa kaguluhan sa business establishment na Valkyrie sa controversial na “no cross-dressing policy” na ikinapahiya ng isang transgender woman tulad ng komedyante-TV host.

Nadamay si Vice sa kontrobersya dahil isa siya sa more or less 40 people na owners ng Valkyrie. Tulad din ni Vice, naloka rin ang mga kasosyo niya sa naturang establishment. Para kay Vice napakaluma na ng ganoong polisiya especially today na napaka-open na ng society sa iba’t ibang kalse ng tao.

“At pinanindigan ‘yan ng Valkyrie, walang ganoong policy. Nagkataon na merong pagpapabaya sa ilang staff kaya nagkakaroon ng ganoong sitwasyon. Pero firm sila na walang no-cross-dressing policy. Kaya sabi ko if Valkyrie implements this kind of ano, you know, I will pull out my very small share in the business. Ang liit-liit lang naman ng share ko diyan,” pahayag ni Vice.

Personal na raw humingi ng apology si Vice sa naging biktima ng “no cross-dressing policy” na si Veejay Floresca na umaming nasaktan talaga siya sa naging experience niya sa nasabing business establishment. At the same time, nag-sorry din daw sa kanya si Veejay dahil hindi naman daw niya akalain na lalaki ng ganito ang pinost niya sa kanyang social media account.

Para kay Vice isang magandang opportunity na rin ang nangyari para sa lahat ng concern especially sa Valkyrie management at LGBT community.

“Nalokah rin ang Valkyrie management ng very light. Kaya nu’ng tinanong ko sila, ‘Galit ka ba sa amin?’ Sabi ko, ‘Hindi naman ako galit. Syempre may offense rin sa akin pero hindi ako galit. Sabi ko nga natutuwa ako na sinabi ninyo sa aking absolutely no cross-dressing policy.

“Kaya sana pangatawanan kasi hindi talaga ako papayag. Kung i-implement ‘yung ganoong rule magpu-pullout na lang ako. Kasi I cannot be part of an organization that does not share my same sentiments and principles,” kwento ni Vice.
May ilang staff lang daw sa Valkyrie ang nagkamali to implement such rule na na-reprimand na ng management. Nasuspinde na raw ang naturang staff.

“Hindi, okey lang naman ‘yun na ma-suspend. Kung merong pagkakamali kailangan talaga kino-correct, ‘di ba? At kino-correct naman. Pero hindi ako pabor na mawalan siya ng trabaho. Kasi gusto natin maresolba ng maayos ang lahat. Pero walang may gusto na may mawalan ng trabaho, ang dami na ngang walang trabaho, di ba?” sabi pa ng TV host.

Dahil nalinaw naman ng management kay Vice na wala talaga silang no cross-dressing policy kaya walang reason ang komedyante na i-pullout ang kanyang small share sa Valkyrie.

And because of the incident, mukhang lalalim ang involvement ngayon si Vice sa LGBT community. In fact, dahil diyan, siya na ang nag-reach out sa kanila to have a discussion na kung hindi nagkaroon ng aberya ay naganap last Wednesday. Na ayon sa source namin ay ‘di raw allowed ang media.

“I stood up for them (LGBT community). Kaya lang nakakatawa ‘yung iba noong sinasabi nila, ‘Ano’ng stand mo?’ ‘Bakit wala kang stand?’ ‘Bakit hindi ka nagsasalita?

“Unang-una, I just cannot say anything or make a stand about something that I do not fully understand. Syempre, kailangan alamin mo. Ano bang nilalaban mo? Hindi pwedeng talak ka nang talak.

“Nu’ng nalaman ko ‘yung sitwayson, and then, I made a stand. I tweeted about it, ang talak naman ng ibang bakla, ‘O, bakit ngayon lang?’ So, ano ba talaga? Walang stand, galit kayo. Nu’ng may stand nagalit pa rin kayo. Kaya ako, sa tamang proseso at kung para sa akin naniniwala rin ako sa pinaglalaban nila I will join them,” esplika niya.

We asked Vice if he’s interested na mag-organize rin ng isang LGBT community na siya ang mamumuno.

“Actually, they never reached out to me. But I reached out to them yesterday. Kaya nu’ng sinasabi nila bakit hindi raw ako active, no one invited me. There are few who invited me. Pero ‘yung mga grupo, they were never reached out to me.

“Pwede akong maging miyembro, pwede ayokong tumulong pero ayaw kong magdunung-dunungan at mag-lead. Kasi kung hindi ko kayang panindigan bakit ko kukunin? For a title? No, I will not do that. Marami na akong titles. I can be of help. I will support. Pero ayokong maglider-lideran,” diin niya.

Read more...