HALOS umusok ang ilong sa galit kapag naaalala ng isang local official mula sa isang lalawigan sa Luzon ang ginawang pagsasamantala ng kanyang karelasyon/consultant.
Nadiskubre kasi ni Gob na matagal na palang nanghihingi ng kung ano-anong uri ng pabor, kung minsan ay pera sa ilang kilalang negosyante ang kanyang “secret lover” na kapwa niya lalaki.
Kamakailan lang natuklasan ng naturang opisyal ang raket ng kanyang lover boy nang personal na kumustahin ng isang negosyante kung nakarating sa kanya ang request niyang pera.
Modus pala ng naturang lover/consultant ni Gob na gumamit ng letterhead ng kapitolyo para nga naman mas mukhang maging legal ang kanyang panghihingi ng pera na kunwari’y gagamitin sa mga pro-poor projects ng baklitang government official.
Lalong uminit ang ulo ni Gob nang matuklasan niyang matagal na pala itong raket ng kanyang alaga at sa kanyang pagtatanong ay ganito rin pala ang ginawa ng lalaking ito sa kanyang dating karelasyon na isang namang baklang movie director.
Nakilala ng local official na ito ang kanyang “Papa” sa isang special screening ng isang Indie Film.
Kahit na hindi bida at extra lamang sa naturang pelikula na pang-bading ang tema ay kaagad daw na nagkahulihan ng loob ang dalawa.
Para hindi masyadong desimulado ang kanilang relasyon ay ginawa niyang “consultant” si pogi para sa ilang tourism at cultural projects sa kanilang magandang lalawigan sa southern portion ng luzon.
Pero kahit kumpleto sa sustento at pagmamahal mula sa galanteng gobernador ay lagi pa ring kapos sa pera si Pogi dahil sa kanyang marangyang pamumuhay.
Ito ang nakikitang dahilan ni Gob kaya rumaket ang kanyang Lover Boy gamit ang impluwensya at letterhead ng kanilang kapitolyo.
Mabait pa rin kahit paano itong si Gob dahil imbes na kasuhan ay
inalis na lamang nya ito sa listahan ng kanyang mga confidential staff.
Pero bukod dyan ay kaagad ding ipinasauli ni Gob ang kotse na kanyang ipinagagamit kay Pogi pati na ang susi ng isang Condo unit sa Parañaque City.
Ang Gobernador mula sa isang malayong lalawigan dito sa Luzon na nabiktima ng kanyang mukhang perang Lover Boy ay si Governor J….as in Jopay.