Death claim sa SSS

MAGANDANG hapon po!

Sumulat po ako upang humingi ng tulong kung ano ang aking dapat ga-win para po ma-claim ang death benefits ng aking ama.

Namatay po siya noong 2007 pa. Nakuha na po namin ang funeral pero ang death claim/burial po hindi pa kasi hinihingian po kami ng valid ID ng tatay ko.

Wala po kaming naitabing ID ni tatay, wala na rin po ang nanay namin. Namatay po siya nitong 2015, pero nasa amin po ang marriage contract nila ni nanay.

Sana po matulungan nyo kami para ma-claim ang death benefits ni tatay.

Maraming
salamat po!

REPLY: Ito ay kaugnay sa sulat ng anak ng isang miyembro ng SSS hinggil sa death claim ng yumao nilang ama.

Ayon sa sulat na inyong ipinadala, tinatanong ng mga anak kung anong dokumento pa ang maaari nilang isumite kung sila ay walang maipakitang ID ng kanilang yumaong ama.

Ang ID na hinihingi mula sa mga anak ay upang masuri ang pagkakakilanlan ng yumaong miyembro ng SSS. Subalit, kung wala silang maipakitang ID, isumite na lamang nila ang death certificate ng kanilang ama.

Amin ding pinapayuhan ang mga sumulat na magsumite ng kopya ng death certificate ng kanilang yumaong ina gayundin ang death certificates ng kanilang lolo at lola kung ang mga ito ay patay na rin.
Kung sakali naman na buhay pa ang kanilang lolo at lola, sila ang dapat mag-file ng death claim.

Para sa kaalaman ng lahat, kapag ang isang miyembro ng SSS ay namatay at siya ay may asawa, ang asawa nito bilang primary beneficiary ang maaaring mag-claim sa benepisyo. Subalit, kung ang asawa ay patay na rin, ang mga magulang ng namatay na miyembro na siyang tinuturing na secondary beneficiary ang maaaring mag-file ng benefit claim.
Kapag ang primary at secondary beneficiaries ay wala na, saka pa lamang maaaring mag-file ang designated beneficiaries o ang mga anak kapag walang designated beneficiaries.

Salamat sa patuloy na patitiwala sa SSS ay nawa’y nasagot namin ang katanungan ng ating claimant.

Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Department
9247295/9206401 loc 5053
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...