Ipinagsigawang wala silang nilokong tao Daniel Matsunaga umaasang si Erich na ang kanyang forever | Bandera

Ipinagsigawang wala silang nilokong tao Daniel Matsunaga umaasang si Erich na ang kanyang forever

Ervin Santiago - June 25, 2015 - 06:15 PM

ERICH GONZALES AT DANIEL MATSUNAGA

ERICH GONZALES AT DANIEL MATSUNAGA

TINUPAD ng magdyowang sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales ang pangako nila kay Kris Aquino na idedetalye lang nila ang tungkol sa kanilang love affair sa morning show na Kris TV.

Kaninang umaga ipinalabas ang interview ni Kris sa dalawang Kapamilya stars. Dito nga nila ikinuwento kung paano nagsimula ang kanilang relasyon. Inamin nilang sa Kris TV nag-start ang lahat, ditto sila unang nagkakilala – sa isang episode na kinunan pa sa Ayon kay Daniel, “Siguro, it’s really destiny, God has his own timing. I guess, that time, God used you (Kris) to introduce us.”

Mula noon, naging malapit na raw sa isa’t isa ang dalawa at naging mas close pa nang malaman nilang pareho silang born-again Christians. That time raw ay may non-showbiz boyfriend pa si Erich (na balitang hiniwalayan niya dahil daw kay Daniel).

Hiningi raw ni Daniel ang number ni Erich pero sinabihan siya ni Kris na maging marespeto dahil nga may boyfriend pa si Erich noon. Pero nilinaw agad ng Brapanese model na wala siyang planong ahasin ang aktres sa karelasyon nito na tumagal ng halos apat na taon.

Ani Daniel, “Well, that time siyempre, wala akong intention at all. I just felt that kasi, when you go to church, di ba, normally kasama mo mga kapamilya mo, mga kaibigan mo? Tinanong ko siya, and she said she would go alone all the time.”

Baling naman ni Kris kay Erich, bakit daw mag-isa siyang nagpupunta sa church, “Catholic siya (dating boyfriend), di ba? And I invited him and he went once. And then, that’s it.”

At simula noon ay niyayaya na ni Daniel si Erich na magsimba sa kanilang church. Noong una ay ayaw pa ng dalaga dahil baka raw mabigyan ito ng malisya dahil nga may dyowa pa siya that time. Hanggang sa magkasama sila muli sa taping ng Kris TV kung saan sila nag-water zumba.

Dito na mas lumalim ang kanilang friendship, at dito na rin nagsimula ang panunukso sa kanila.

Hanggang sa magkasama na nga sila sa seryeng Two Wives with Jason Abalos, Kaye Abad and Patrick Garcia. At siyempre, masayang-masaya si Daniel dahil nga magkakatrabaho uli sila ni Erich.

Inamin din ni Erich kay Kris na nagsimula siyang magkaproblema sa kanyang lovelife noong Christimas 2014. Nagtataka nga raw si Tetay kung bakit Paskung-pasko ay sila ang gusto nitong laging kasama.

Sabi pa ni Kris kay Erich, “Ba’t ka nandito, dapat nandun ka, di ba (sa boyfriend mo)?” Pero ayaw magsalita ng aktres kaya ang dialogue ng TV host, “Kapag ganyan, patapos na, ‘no?”

Pagkatapos ng Two Wives, nagkita raw uli sina Kris at Erich at dito na sinabihan ng TV host ang aktres na ayusin muna ang lahat sa kanila ng kanyang ex-boyfriend bago pumasok sa bagong commitment. Sey pa ni Kris, “You can’t move forward in life if there’s an unfinished business.”

Noong nakaraang Holy Week ay tapos na ang relasyon ni Erich sa kanyang non-showbiz na BF at tapos na rin that time ang seryeng Two Wives. Pero hindi sinabi ni Erich kay Daniel na wala na siyang dyowa.

Pero that time ay na-feel na ni Daniel na single na uli si Erich. At nang masiguro na ito ng binata saka lang daw niya niligawan ang Kapamilya actress. Meaning, hindi raw niya inagaw si Erich sa dating BF nito.

Ayon kay Erich, “Having him makes life so much easier. And lighter. And happier.”

Natanong naman ni Kris si Daniel kung nakikita na ba niyang sila na ni Erich habambuhay? “Of course. I can see hundred years down the road.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Singit naman ni Erich, “For us, we just leave everything in God’s hands. I mean, honestly, hindi naman natin alam what will happen in the future. Kumbaga, si God lang ang nakakalam kung tayo talaga for each other.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending