Dennis Padilla kay Julia: Kung ayaw n’yo talaga ng apelyido ko, so be it!

dennis padilla

NASASAKTAN pa rin ang komedyanteng si Dennis Padilla dahil hanggang ngayon pala ay hindi pa rin inuurong ng anak niyang si Julia Barretto ang petition nitong tanggalin na ang apelyido ng ama sa kanyang pangalan.

Sa presscon ng pelikulang “The BreakUp Playlist” na pinagbibidahan nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual, sinabi ni Dennis na dalawang hearing ang pinupuntahan niya para sa magkahiwalay na petisyon ng dalawang anak na gawing Barretto na ang kanilang surname.

“Magkahiwalay ‘yung petition. So I’m attending sa dalawang hearing – iba ang hearing kay Julia at iba ang hearing kay Claudia kaya I have two lawyers also,” ani Dennis. “May hearing ulit kami ng August,” dagdag pa niya.

Noong Abril, mismong si Julia na ang nagsabi na hindi na niya itutuloy ang planong pagtatanggal ng apelyido ng ama (Baldivia) pero hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang pagdinig ng petisyon sa korte.

“Nu’ng huli akong nagtanong kay Julia, sabi ko, ‘Julia, I heard na you are withdrawing the petition to change, to take off my family name.’ Sabi niya, ‘Pa, I’m sorry kasi I’m so busy, I haven’t talked to the lawyers hindi pa kami nakapag-meet.’ Nung sabihin niya sa akin ‘yon mga April.

“Magju-July na so sana magkaroon siya ng time na ma-meet ang lawyers niya or utusan niya, sabihin niya sa lawyers niya na, ‘Nagpa-presscon ako, sinabi ko na sa press na wi-withdraw-hin ko.

Gawin niyo na ang papers, withdraw-hin niyo na.’ Pero ‘di naman kikilos ang lawyers kung walang utos ng kliyente,” paliwanag pa ni Dennis.

Nang tanungin kung feeling ba niya ay may pumipigil kay Julia na iurong na ang petisyon, ani Dennis, “Hindi na pwedeng pigilan si Julia ngayon, 18 na ‘yon. Kapag gusto niya, pwede naman. Sa akin, Julia, 18 ka na, you are old enough.”

Dagdag pa niya, “Mahal ko lahat ng mga anak ko, pero wala akong magagawa kapag gusto nilang tanggalin ang apelyido ko. Dala nila ang apelyido ko dahil in-acknowledge ko sila na anak ko.

Ngayon kapag tinanggal nila ang apelyido ko, eh kayo na ang mag-interpret noon.”  Pero umaasa pa rin si Denis na matatapos din ang isyung ito sa kanyang mga anak, “Di mo alam kung kailan matatapos ang buhay mo.

Hindi naman sa edad ‘yan. Paano kung madedo ka bigla?”  “Sometimes I’m thinking of withdrawing my petition na i-oppose. Naisip ko ‘yon na kung ayaw niyo ang family name ko, so be it.

Totoo, minsan naiisip ko pero kapag tinanggal niyo ang name ko, hindi niyo ako ina-acknowledge na tatay,” aniya pa.
Ano naman ang masasabi niya sa mga naglalabasang isyu na tila hindi makaangat-angat ang career ni Julia dahil sa mga problema ng kanyang pamilya, “Siyempre.

Ang mga Filipino, ang mga fans, lalo na ang mga bata, siyempre respect sa father and mother tayo. “Siyempre nakakabawas ‘yon. Kahit naman ‘yung pinakasikat na artista, dahil sa nagpapakita sila ng paggalang sa magulang, lalo silang sumisikat.”

Read more...