Liza nag-iiyak sa airport habang nagpapaalam sa Amerikanang ina
PARANG eksena sa teleserye ang nangyari sa pagitan ni Liza Soberano at ng kanyang Amerikanang ina na si Jacqulyn Elizabeth Hanley sa San Francisco International Airport sa US noong Martes.
Umuwi na ang Kapa-milya young actress sa Pilipinas matapos ang ilang araw na pamamalagi sa US kung saan nagkaroon ng series of international screening ang pelikula nila ni Enrique Gil na “Just The Way You Are”.
Talagang nagkaiyakan ang mag-ina nang magpaalam na sila sa isa’t isa. Ito’y matapos namang maging viral kamakailan ang video nila nang muli silang magkita sa Amerika after seven years.
Mismong si Enrique ang nagsabi na talagang hindi napigilan ng mag-ina ang ma-ging emosyonal habang nagpapaalam sa isa’t isa. Ayon pa sa binata, may ni-request din ang nanay ni Liza sa kanya bago sila bumalik ng bansa.
“Nagkausap kami nung umalis na kami, nauna na si (Liza). Umiiyak (yung mommy niya) tapos niyakap ako. Sabi niya, ‘Take care of her ha?’ Sabi ko, ‘I will tita.’ Sabi ko, come back here sa Manila, pumunta sila dito sa Philippines to visit next year. Ita-try daw nila.
Kung hindi, kami ang bibili ng ticket para sa kanila,” sey ni Enrique sa interview ng ABS-CBN. Ayon naman kay Liza, kahit na sandali lang silang nagkasama ng kanyang mommy, naging maligaya naman siya sa muli nilang pagkikita, “Masaya po na nagkasama uli kami.
Marami kaming time para mag-bonding. Sumama siya sa premiere tapos nag-Great America kami and nag-shopping pa kami,” anang dalaga.
Kung matatandaan, inamin ni Liza na ipinanganak siya sa California at pinalaki ng kanyang maternal grandparents nang maghiwalay ang kanyang mga magulang.
Noong mag-10 years old siya, sumama siya sa kanyang ama dito sa Pilipinas para tuparin ang kanyang pangarap na maging artista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.