Ombudsman binulabog ng bomb scare

office-of-the-ombudsman
Nataranta ang mga empleyado ng Office of the Ombudsman sa Quezon City kahapon matapos na umupo ang kanilang bomb sniffing dog matapos amuyin ang naiwang bag sa loob ng kanilang gusali.
Alas-12 ng tanghali ng mapansin ang bag na naiwan sa ikatlong palapag ng gusali.
Pinapuntahan ang bag sa sniffing dog at umupo umano ito na indikasyon na posibleng may bomba sa loob nito.
Agad na pinalabas ang mga empleyado pasado at nagtungo sa flag pole area.
Pumasok ang mga operatiba ng bomb squad at matapos ang pagsisiyasat ay kinumpirma nila na walang bomba.
Nagbalik naman ang operasyon sa ahensya matapos ito.
Ang Office of the Ombudsman ang nag-iimbestiga at nagsasampa ng kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Read more...