Dahil sa dami ng commitments, hindi na raw makakasama si Daniel Padilla sa pelikula ni Vice Ganda na kasali sa 2015 Metro Manila Film Festival, ang “Beauty And The Bestie”.
Hindi na rin makakasama ang binata sa Europe tour ng Star Magic para sa mga Filipino community doon.Halos araw-araw na kasi ang taping nina Daniel at Kathryn Bernardo sa Pangako Sa ‘Yo, at karamihan pa sa mga eksena nila ay sa Zambales pa kinukunan.
“Sino ba ang hindi magiging masaya na laging trending ang palabas n’yo, kaya maraming-maraming salamat sa lahat ng nanonood. Pangako, mas gagalingan pa namin at mas pagagandahin pa namin ang PSY,” ani Daniel.
Muli namang pinaligaya ng Teen King ang kanyang mga tagasuporta sa isang thanksgiving mini-concert kamakailan. Ito’y bilang pasasalamat na rin sa pagiging number one ng Primetime Bida series nila ni Kathryn sa ABS-CBN.
Bukod dito, gusto ring ibalik ni Daniel ang lahat ng blessings na dumarating sa kanya sa pamamagitan ng pagpapasaya sa kanyang fans, kabilang na rito ang pagkilala sa kanya bilang number one endorser ng kanyang henerasyon.
Samantala, malapit na ring makilala ng viewers kung sino ang magiging ka-love triangle nina Daniel at Kathryn sa Pangako Sa ‘Yo, siya ang gaganap bilang Bea Bianca na ginampanan noon ni Vanessa del Bianco.
In fairness, nagpa-audition pa talaga ang Star TV para sa role na ito. Hintayin na lang natin kung paano ito tatanggapin ng milyun-milyong KathNiel fans.