SO, exclusively dating na nga sina Kim Chiu at Xian Lim. Ibig sabihin, talagang malapit na malapit na silang maging official na magdyowa tulad ng laging sinasabi ni Xian sa kanyang mga interview.
Mismong si Kim na kasi ang nagbuking na wala siyang ine-entertain na ibang manliligaw at sa pagkakaalam niya wala ring ibang babaeng nililigawan ang kanyang ka-loveteam.
Sa PEP List Awards kamakailan, nakachika ng ilang entertainment reporter sina Kim at Xian at sabi nga ng dalaga, “Wala (akong ibang manliligaw). Siya rin wala, e! Ako talaga nagsabi? Alam ko wala siya, e!”
Birong singit naman ni Xian: “Sa akin, maraming nanliligaw, hindi ko pinapansin!” Na sinagot naman ni Kim ng “Ang hangin! Biglang nag-brownout dito sa PEP!” sabay tawa ng dalawa.
Muling tinanong si Xian kung sinagot na ba siya ni Kim, “Naku ‘eto na…malapit na ba (maging tayo)?” baling niya sa dalaga na ngumit lang ng pagkatamis-tamis.
Sey ng aktres, “Basta masaya kami. We’re really happy. I enjoy Xian’s company all the time.” Hindi naman daw natatakot si Kim na baka maapektuhan ang kanilang loveteam kung sakaling maging sila na, “Ah, wala naman (takot)).
Ang tagal na naming magkasama. Four years na. Parang mas tumatag na yung foundation—foundation sa mukha pala! Ha-hahaha!” biro ni Kim. “Hindi, kidding aside po, naging solid yung foundation naming dalawa.”