Batang Pier may twice-to-beat edge | Bandera

Batang Pier may twice-to-beat edge

Barry Pascua - June 24, 2015 - 03:00 AM

globalport

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Kia vs. Meralco
7 p.m. NLEX vs. Ginebra

RUMATSADA sa overtime period ang Globalport para biguin ang Alaska Milk, 117-104, kagabi sa PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.
Matapos ang dikitang laban sa unang apat na quarters ay nagsanib puwersa sina Jarrid Famous, Omar Krayem at Doug Kramer para mahigitan ng Batang Pier ang Aces sa overtime, 19-6, at makuha ang ikapitong panalo sa 11 laro.
Ang mas mahalaga ay nasungkit din ng Globalport ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals.
Dahil nakasisiguro na ang Alaska sa No. 1 spot at sa twice-to-beat advantage sa susunod na round ay hindi ibinabad ng koponan sa laro ang starting unit nito. At muntik pa nilang masilat ang Globalport.
Nagtapos si Famous na may 34 puntos at 26 rebounds habang si Stanley Pringle ay may 24 puntos at si Krayem ay may 20 puntos sa laro.
Ang Alaska ay pinangunahan ni Cyrus Baguio na may 20 puntos.
Samatala, hahabulin ng KIA Carnival at Barangay Ginebra ang huling biyahe tungong quarterfinals sa pamamagitan ng panalo kontra magkahiwalay na kalaban mamaya sa Big Dome.
Makakatunggali ng KIA ang Meralco sa ganap na alas-4:15 ng hapon samantalang makaka-sagupa ng Barangay Ginebra ang NLEX dakong alas-7 ng gabi.
Ang Carnival ay sumadsad sa joint ninth place kasama ng Gin Kings sa kartang 4-6 matapos na makalasap ng tatlong sunod na kabiguan.
Hindi pa rin makaka-tiyak ng pagpasok sa quarterfinals ang Bolts na may 5-5 karta. Kung matatalo sila sa Carnival ay magtatabla sila sa 5-6 at makukuha ng KIA ang quarterfinals berth bunga ng win-over-the-otherrule.
Si Andre Emmet ng Meralco ay makakatapat ni Hamady N’Diaye ng KIA. Si Emmet ay suportado nina Gary David, Cliff Hodge, Reynell Hugnatan at Sean Anthony samantalang si N’Diaye ay tutulungan nina LA Revilla, Hyram Bagatsing, Leo Avenido at Rich Alvarez.
Naging malamya ang simula ng Barangay Ginebra dahil sa pagkakaroon ng injury ng mga higanteng sina Greg Slaughter at Japeth Aguilar sa umpisa ng torneo. Ngayon naman ay nagpapagaling ang superstar na si Mark Caguioa na nagtamo ng injury sa daliri dalawang laro ang nakalilipas. —Barry Pascua

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending