SSS contribution tataas

POSIBLENG itaas ng Social Security System (SSS) ang kontribusyon na sinisingil nito sa kanilang mga miyembro upang mas tumagal umano ang buhay ng kumpanya.

Sa isang statement, sinabi ng SSS na nadagdagan ng apat na taon ang buhay ng kumpanya o hanggang 2043 nang ipatupad ang 0.6 porsyentong pagtaas sa kinakaltas sa suweldo ng mga miyembro nito simula noong Enero 2014.

Pero tinaasan nila ang pensyon ng limang porsyento noong Hunyo 2014 kaya nabawasan ang “fund life” ng SSS ng isang taon o hanggang 2042.

“What has to be done immediately are structural reforms. Our investments have been performing remarkably well despite the low interest rate environment, but we can only invest and earn so much. If the contribution rate remains unchanged while benefit payments continue to swell, the SSS’ reserve fund will be exhausted by 2042,” ani SSS Chief Actuary George Ongkeko, Jr.

Agad naman itong tinutulan ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na nagsabi na ang pensyon na natatanggap ng mga miyembro ang dapat na itaas at hindi ang sinisingil nito.

Inaprubahan ng Kamara ang panukala ni Colmenares na dagdagan ng P2,000 sa pensyon ng mga miyembro nito.

Read more...