Cherie Gil pinatitigil ang paggamit ng ‘copycat’ sa Bituing Walang Ningning Musicale

cherie gil
PAG-AARI raw ni Cherie Gil ang classic dialogue na, “You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!” sa pelikula nila ni Sharon Cuneta na “Bituing Walang Ningning”.
Ito ang dahilan kung bakit pinahihinto ng magaling na kontrabida ang paggamit nito sa musicale version na ginaganap ngayon sa Resorts World Manila. Ang claim ni Cherie na gumanap na Lavinia Arguelles sa pelikula ay intellectual property niya ang nasabing linya.
Ayaw naming isipin na pakulo lang ng Viva Productions ang tsikang ito para lang umingay ang nasabing musical play, pero base sa naging pahayag ng singer-actress na si Cris Villongco na siyang gumaganap na Lavinia sa nasabing play, mukhang inaasahan na nila ang ganitong scenario.
 “Well, it was expected and we were warned about that pero wala rin po tayong magagawa, it will still publicity for us, so thank you na rin,” paliwang ni Cris kanina sa presscon ng pelikulang “The BreakUp Playlist” nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual. Kasama si Cris sa movie na gumaganap bilang producer ng album ng rock band nina Piolo at Sarah.
 Sabi pa ni Cris, “I heard, there is a presscon about it, pero ang sinabi po sa akin, as long as there is no court order and alam ko po na it was a ceased and deceased notice, sasabihin ko pa rin po ang dialogue na yun sa Thursday night until Sunday, tingnan po natin kung anong mangyayari next weekend.”
Nabanggit na ang nasabing pelikula noon nina Sharon Cuneta at Cherie Gil na idinirek ni Emmanuel Borlaza ay pag-aari ng Viva Films at anuman ang dayalogong ginamit sa pelikula ay considered na pag-aari ng Viva kesehodang adlib pa ito.
“I would rather not imitate what was going on and also the director and the material na gusto nilang gawin ko ‘yun, I decided to do a different Lavinia, hindi naman po pupuwedeng mag-imitate tayo ng mga ginawa ng iba, such an iconic role for her.
 “I would not to be a copycat, I want to be the original,” diretsong sabi ni Cris.
Ito naman ang mensahe ng apo ni Ms. Armida Siguion Reyna kay Cherie, “Hinahangaan ko po kayo, kilalang-kilala po kayo, it will always, always, always be you and I have no plans to be a copycat.”
Ang sumulat ng pelikulang “Bituing Walang Ningning” ay ang yumaong award-winning scriptwriter na si Orlando Nadres habang si Emmanuel Borlaza ang direktor nito.
At nanindigan ang batikang direktor na sa kanya galing ang “copycat” dialogue ni Cherie na talagang nagmarka sa mga Pinoy.

Read more...