Erap-Lim magtatapat sa Torre de Manila probe

Torre de Manila

Torre de Manila


Ipatatawag ng Kamara de Representantes sa isasagawa nitong imbestigasyon sina Manila Mayor Joseph Estrada at dating Mayor Alfredo Lim kaugnay ng kontrobersyal na Torre de Manila.
Ayon kay House committee on metro manila development chairman at Quezon City Rep. Winston Castelo nais nilang mapakinggan ang panig ni Estrada at Lim at iba pang opisyal ng Maynila na may kaugnayan sa ipinatayong gusali ng DMCI Holdings.
“The panel will invite them (Estrada and Lim) to provide the needed information. This is not about finger pointing or blame game on who should be held responsible for allowing the construction of the Torre de Manila. This has something to do with the crafting of a new law to protect historical sites,” ani Castelo.
Nagtuturuan sina Estrada at Lim kung sino ang dapat na sisihin sa itinatayong gusali na tinaguriang pambansang photobomber dahil nahahagip ito kapag nagpapakuha ng litrato kay Rizal.
Ipinahinto ng Korte Suprema ang pagpapatuloy sa paggawa sa Torre de Manila na may taas na 49 palapag.
Payo naman ni Castelo sa DMCI, boluntaryo ng gibain ang gusali.
“I advise them to voluntarily dismantle it. After all, it would be a big contribution to preserve our cultural heritage and national patrimony. It’s very important for DMCI to know that the preservation of national culture is more important than profit. Hindi lang naman po commercialism, pero importante rin dito ang patrimony, iyung heritage at iyung culture natin,” ani Castelo.

Read more...