NAHALAL muli si Vice President Jojo Binay bilang president ng Boy Scout of the Philippines (BSP).
Susmaryosep, ano na ba ang nangyayari sa BSP, na nagtuturo sa mga kabataang miyembro nito na maging “trustworthy” o mapagkatiwalaan at “morally straight” o matuwid sa pamumuhay.
Mukhang sumisid ang moralidad ng BSP.
Pinayuhan ko ang a-king mga anak na huwag pasalihin sa Boy Scout ang aking mga apong lalaki.
Nanawagan ako sa ibang mga magulang na huwag pasalihin sa boy scouts ang kanilang mga anak na lalaki.
Paano matuturuan ng BSP ang mga batang miyembro nito na ma-ging trustworthy and morally straight samantalang ang Chief Scout na si Binay ay hindi mapagkakatiwalaan at baluktot ang moralidad?
qqq
Base sa resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia at SWS, mahahalal si Sen. Grace Poe na Pangulo kapag ang eleksiyon ay gaganapin bukas.
Pero mapapatakbo ba niya nang mabuti ang bansa?
Sabi ni Buhay Rep. Lito Atienza, dating al-kalde ng Maynila at Cabinet member, si Poe ay walang experience sa pamamalakad sa gobyerno.
“I am afraid of what will happen if Grace Poe becomes President because she has no experience. If she becomes President, whom do we run to? Another six years of what?”
Malaking palaisipan ang tinuran na iyan ni Congressman Atienza.
***
Anong nangyari sa bansa nang si Corazon Cojuangco Aquino ay naging Pangulo ng bansa?
Wala!
The country’s progress was set back for many years with Cory at the helm.
Ang nagpapatakbo ng bansa ng si Cory ay pa-ngulo ay kanyang mga Gabinete at ang kapatid niyang si Peping Cojuangco.
Bakit? Dahil si Cory ay plain housewife at pinilit siya ng taumbayan na tumakbo upang palitan ang diktador na si Ferdinand Marcos.
Naalis nga ang diktador na si Marcos, pero ang pumalit naman sa kanya ay isang TWA (Talagang Walang Alam).
***
Pero kung ang tinutulak ni Atienza ay si Binay na kanyang kaalyado sa pulitika, huwag na lang!
Oo nga’t may karanasan si Binay sa pamamalakad o governance, pero kurakot dito at kurakot doon ang ginawa niya.
Mabuti pang kagaya ni Cory na isang malinis at tapat pero TWA ang ihalal natin kesa sa isang lider na sobrang kawatan na gaya ni Binay.
qqq
May mas magandang pagpipilian bukod kay Grace Poe para maging Pangulo.
Kung si Poe ay ma-kabayan o patriotic, da-pat ay pagbigyan niya si Davao City Mayor Rody Duterte na maging pa-ngulo muna bago siya mag-isip na pumalit kay Pangulong Noynoy.
Kay Duterte lamang makakaahon ang bansa sa lusak ng droga at krimen.
Si Rody Duterte ay walang record sa pagnanakaw sa kaban ng bayan at ginawa niya ang Davao City na isa sa mga pinakaligtas na lungsod sa buong mundo.
Dahil sa naalis ang problema sa droga at kriminalidad, ang Davao City ay isa sa pinakamaunlad na lungsod sa buong bansa.
***
Pinakiusapan ni Sen. Teofisto “TG” Guingona si Justice Secretary Leila de Lima na ipasailalim ang whistleblower na si Rhodora Alvarez sa Witness Protection Program(WPP).
Nilantad kasi ni Alvarez sa Senate blue ribbon committee, kung saan si Guingona ay chairman, ang corruption sa P1.26 billion purchase ng 21 refurbished helicopters ng Department of National Defense (DND).
Nanganganib ngayon ang buhay ni Alvarez dahil marami siyang dinawit na mga opisyal ng DND at Philippine Air Force, kasama na rito si Defense Secretary Voltaire Gazmin.
Nasa mga kamay na ni De Lima ang kaligtasan ni Alvarez.