Horoscope, June 23, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Dahil birthday mo ngayon, tama lang na unahing mag-simba at magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang natatanggap. Sa ganyang paraan, tuloy-tuloy ang dating ng suwerte at masayang kapalaran. Mapalad ang 5, 18, 24, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Swami-Budhananda-Om.” Silver at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pag-ibig, wag ng pakawalan ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre, ka-tugma mo siya. Sa pinansyal, ang nasabi ding kasuyo ang sa iyo ay magpapayaman. Mapalad ang 6, 18, 24, 37, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Yosoda-Om.” Blue at maroon ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Habang gumanda ang pasok ng pera, laging alalahaning mag-tipid at mag-ipon. Sa pag-ibig, isang katabi mong naka-kulay puti, ang may lihim sa iyong pagnanasa – mag-ingat! Mapalad ang 3, 15, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Om.” Green at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Hindi magtatagumpay kung masyadong marami at kung ano-ano ang laman ng isipan. Konsentrasyon sa iisang larangan lang ang dapat. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang pagiging tapat sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 5, 14, 23, 28, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Blue at orange ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Hindi masamang magpakabait, pero masamang magpauto! May babala na isa na namang kaibigan ang mangungutang at pagkatapos ay hindi na naman magbabayad. Sa pag-ibig, hanggat hindi ka nagpapakatotoo walang true love na darating. Mapalad ang 7, 16, 25, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shati-Pad-Me-Om.” Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Huwag kainggitan ang mga kaibigan at kapit-bahay na umuunlad. Tandaang higit na payapa ang isipan ng may simple at sama-samang pamilya kaysa sa pagiging ubod ng yaman. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agne-Manu-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Bagamat okey na ang trabaho, maghanap ka pa ng dagdag na pagkakakitaan upang mas lumago pang lalo ang kabuhayan. Sa pag-ibig, kahit okey na ang isang Taurus, mas higit kang kikiligin sa isang Libra. Mapalad ang 8, 16, 23, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Green at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Hindi maiiwasan ang problema, pero maiiwasan ang mga taong walang kuwenta. Imbis na makipagkuwentuhan sa kanila, iukol ang oras sa pagta-trabaho at mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Aquarius. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Beige at orange ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Pasalamatan ang kasuyo dahil sa kabila ng marami kang pagkukulang hindi ka nya iniiwan. Sa pinansyal doblehin pa ang sipag upang mas madali kayong yumaman. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Black at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Lalong sisigla ang kapalaran kung simulan ngayon ay makakakita ka ng pagkakataong mapagkakaperahan, sunggaban agad! Sa pag-ibig, sayo dapat mag simula ang initiative upang uminit ang nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 9, 18, 25, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at maroon ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sariling diskarte at pagsisikap ang magpapaunlad sa iyo, wag umasa sa iba. Sa pag-ibig, wag asahan ang kasuyong wala namang pangarap sa buhay. Mapalad ang 8, 13, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Om.” Pink at magenta ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag mag-alala, kung kailan ka walang-wala bigla ang dating ng napakalaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, hintayin ang pagdating ng isang Libra upang ikaw ay lumigaya. Mapalad ang 4, 13, 28, 31, 40 at 49. Mahigawa mong mantra: “Aum-Agiel-Om-Ophiel.” Green at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Huwag ipambayad ang lahat ng pera sa mga pagkakautang. Unahing magtabi para sa kinabukasan. Kahit magbayad ka sa mga utang, hindi din mababawasan ‘yan, ang mas mahalaga nadadagdagan ang ipon. Mapalad ang 8, 17, 26, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akyata-Purana-Om.” Silver at magenta buenas.

Read more...