Piolo malaki ang utang kay Juday: Sana nga magkatrabaho uli tayo!

judy anne santos

“SO great to see the person that gave me my biggest break in showbiz… I’ll always be indebted to your kindness? Congrats on another blessing! Sana makawork kita uli @officialjuday!”

Ito caption na inilagay ni Piolo Pascual sa litrato nila ni Judy Ann Santos na kanyang ipinost sa Instagram noong Linggo habang umeere ang ASAP 20.

Nag-guest si Juday sa variety show ng ABS-CBN noong Linggo para i-promote ang kanyang cook book na may titulong “Judy Ann’s Kitchen”.

At dahil selebrasyon ng Father’s Day noong Linggo sa ASAP 20 kaya’t kumpleto ang lahat ng mga artistang may anak sa pangunguna nga nina Piolo at anak na si Inigo Pascual.

Nagbatian ang dating magka-loveteam sa backstage kaya sila nakunan ng litrato na kaagad namang ipinost ni Piolo.
Nakakatuwa para sa estado ngayon ng aktor, ipinakita lang niyang marunong siyang lumingon kung saan siya nagmula at kung paano siya nag-start sa kanyang showbiz career.

Ibinandera talaga niya na si Juday ang dahilan kung bakit lumaki ang kanyang pangalan sa showbiz. Matatandaang nagkaroon ng silent war ang dalawang Kapamilya stars, pero hanggang ngayon ay hindi malinaw kung saan ito nag-ugat, basta nabalitaan na lang natin na hindi na sila nag-uusap at ang matindi pa rito ay hindi na rin sila puwedeng magtambal sa teleserye o sa pelikula.

Good thing na pagkalipas ng mahabang panahon ay mukhang okay na ulit sina Juday at Piolo at hindi naman siguro puwedeng akusahan ang aktor na gagamitin niya ngayon si Juday dahil sa ngayon ay siya ang reignig Box-Office King at kaliwa’t kanan din ang kanyang product endorsements at higit sa lahat, producer na rin siya dahil nga kasosyo siya sa Spring Films.

Kaya Star Cinema, i-push n’yo na ang Juday-Piolo teleserye (o movie) dahil tiyak na magiging blockbuster din ‘yan.

Read more...