AMINADO si Andre Paras na mas sinwerte ang kapatid niyang si Kobe sa larangan ng basketball, pero wala raw siyang sama ng loob dahil binigyan naman siya ng chance sa mundo ng showbiz.
Sabi ni Andre, mahal niya ang basketball dahil ito talaga ang kinalakihan niyang sport, bata pa lang siya ay lagi na niyang pinapanood ang kanyang tatay na si Benjie Paras na isa sa mga itinuturing na PBA legends.
Ngayon ay pareho na silang nasa showbiz ni Benjie at marami siyang natututunan sa kanyang ama pagdating sa pag-arte, lalo na ang pagiging disiplinado sa trabaho.
“Honestly, I guess my Dad got everything from being an athlete. That’s where he learned his values, his discipline, like not staying up too late na nadala niya sa showbiz.
“And what I learned from him wasn’t as an actor-basketball player but as a father, what he learned from both worlds talaga,” paliwanag ni Andre nang makausap ng ilang entertainment reporter sa thanksgiving presscon ng afternoon series nilang The Half Sisters na mahigit isang taon na ngayong umeere sa GMA 7.
Sinabi ni Andre na hindi naman sila pinilit ni Benjie na maging basketball player pero siyempre, siya ang naging inspirasyon nila ni Kobe sa paglalaro ng nasabing sport, “It came from him but he didn’t force us.
I see him every day. I see him on TV. I see him in PBA. Yun kasi ang naabutan ko sa kanya that’s why me and my brother fell in love with the sport.
“Noong tumagal, it’s more of who achieved it better. As we can see, Kobe did. I didn’t give up because I know there’s showbiz that I also need to do,” anang ka-loveteam ni Barbie Forteza sa The Half Sisters.
Mas mahal na ba niya ngayon ang akting kesa sa basketball? “Well, basketball will always be there. First love ko yun, e, hindi makakalimutan. Sa showbiz, I started at 18.
Medyo late, but I started to love it. I don’t want to love it when I’m older. I want to love it hanggang ngayon na bata ako.”
Ano ang laging ipinaaalala sa kanya ni Benjie bilang tatay? “Advice like, ‘Alam mo, noong panahon namin, wala kaming ganito,’ and that, ‘you’re very lucky.’ And then ako, ‘Oo nga ‘no, we’re lucky now.
I can’t take things for granted.’” At siyempre, abot-langit ang katuwaan ni Andre dahil umabot na ng isang taon ang serye nilang The Half Sisters at magtatagal pa raw ito ng ilang buwan sa ere, “Of course, I’m very thankful.
“It’s my first acting stint and knowing that I’m able to improve with everyone without the help of acting coach before. It’s like an experience na tapos, ikaw na ang bahala,” aniya.
Kumusta naman sila ng kapartner niyang si Barbie, hindi pa ba sila nagkakadebelopan dahil mahigit isang taon na silang magkatrabaho?
“We’ll never know. We’ll see. But honestly, I’m not gonna lie, yun nga, one year, it made us close to each other and chemistry wise kapag may eksena, it’s all natural lang,” tugon pa ng binata.