Wala ring mapaglagyan ng katuwaan ang Kapamilya leading lady na si Julia Montes dahil sa bago niyang achievement ngayong taon.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Julia ng ilang larawan na kuha mula sa kanyang graduation. Ibinandera ng aktres ang pagtatapos niya sa Center of Culinary Arts Manila kasama ang isa pang celebrity na si Yam Concepcion.
Sey ni Julia, isa na raw sa pinakamasayang sandali ng kanyang buhay ang pagtanggap niya ng kanyang diploma sa nasabing culinary school habang suot ang kanyang toque.
Mas naging meaningful pa raw ang kanyang graduation nang dumating ang kanyang kapatid. In fairness, kahit na super busy sa pag-aartista si Julia ay talagang kinarir niya ang pag-aaral kaya naman maligayang-maligaya siya ngayong nakuha na niya ang kanyang diploma.
At sigurado rin kaming isa sa mga taong tuwang-tuwa sa bagong achievement ni Julia ay ang kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin.