Na-trauma si Winwyn Marquez nang matalo siya sa unang pagsabak sa Binibining Pilipinas. Kaya naman hindi pa niya iniisip na sumali uli next year.
Nakausap din namin ang dalaga sa presscon ng The Half Sisters kung saan siya gumaganap na kontrabida, sey ni Winwyn napakarami niyang isinakripisyo sa Bb. Pilipinas, kabilang na ang kanyang acting career, kaya ngayon daw ay dito muna siya magpo-focus.
“Siyempre, may takot na (sumali uli), kaya hindi ko muna iniisip. Kasi nga, ngayon ang daming dumarating na blessing. Parang blessing in disguise nga noong matalo ako, ang daming nagbukas na mga opportunities, so nagpapasalamat din ako sa Binibini dahil after akong sumali doon, parang mas marami na yung nakakakilala sa akin,” paliwanag pa ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez.
Samantala, binasted pala ni Winwyn si Mark Herras. Kinausap daw talaga niya ang binata na huwag na siyang ligawan.“Mark is a really good friend. Si Mark kasi, since nag-start ako, siya na ang kasama ko. Parehas kami ng barkada.
So okey naman kami,” chika ni Winwyn.Nanliligaw ba talaga sa kanya si Mark? “I don’t want. Ayoko. Ha-hahaha! Oo, nararamdaman ko naman (na gustong manligaw).
Pero may difference, iba na kasi ang closeness namin. Pero for me, it’s not gonna go beyond that. Ayoko po kasi. “At saka sabi ko sa kanya, ayokong magpaligaw. We’re not going out, we’re not dating – ayoko talaga,” esplika ng Kapuso actress.
Dugtong pa ni Winwyn, “Maybe because kaibigan ko siya. Kaya as friends, ayoko. Mas maganda ‘yung ganito lang.”