Binay nagbitiw na sa Gabinete ni PNoy

NAGSUMITE ng kanyang irrevocable resignation si Vice President Jejomar Binay sa Gabinete ni Pangulong Aquino Lunes ng hapon.

Ang kanyang anak na si Makati Rep. Abigail Binay ang personal na nagdala ng sulat sa Malacanang na nakapangalan kay Pangulong Aquino, na tinanggap naman ni Executive Secretary Paquito Ochoa.  Isang undersecretary ng Office of the President ang sumama kay Abigail sa tanggapan ni Ochoa para dalhin ang sulat.

Tinanggap ni Ochoa ang resignation letter alas 3:55 ng hapon.

Bilang miyembro ng Gabinte, si Binay ay naglingkod bilang presidential adviser on overseas Filipino workers at pinuno ng inter-agency council on housing.

Read more...