Kampo ni Binay binanatan ang mga kritiko matapos tumaas ang kanyang rating

Binay

Binay


BINANATAN kahapon ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang kanyang mga kritiko, sa pagsasabing hindi nakakatulong sa mga nais kumandidato sa 2016 ang pagbanat sa kanya.

Ito’y matapos ang resulta ng Pulse Asia survey kung saan nagpapakitang si Binay ang pinagkakatiwalaang opisyal ng gobyerno matapos makakuha ng pinakamataas na approval rating.

Sinabi ng tagapagsalita ni Binay na si Rico Quicho, na nagpapakita lamang ito na alam ng mga Pinoy kung sino ang nagtatrabaho.

“The latest results of the Pulse Asia Survey show that the people appreciate his hard work and dedication to public service. More importantly, it highlights that attacking the Vice President does not make his political opponents prepared for the job of the presidency,” sabi ni Quicho.

Idinagdag ni Quicho na gusto lamang talagang siraan si Binay sa isinasagawang imbestigasyon ng
Senate Blue Ribbon subcommittee kaugnay ng mga alegasyon ng korupsyon laban sa bise presidente.

Sinabi pa ni Quicho na patuloy lamang na magseserbisyo si Binay sa mga Pinoy sa kabila ng pamumulitika ng laban sa kanya.

Kasama sa isinagawang survey ang pinakamatataas na opisyal ng gobyerno. Inquirer.net

Read more...