Tubig sa Angat Dam malapit na sa critical level

Angat-Dam
PATULOY ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam kung saan malapit na nitong maabot ang critical level, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Umaga kahapon, pumalo ang antas ng tubig sa Angat Dam sa 172.66 meters, malapit na sa critical level nito na 160 meters.

Samantala, below critical level naman ito para sa irigasyon na dapat ay nasa 180 meters.

Noong Linggo, naitala ang water level sa Angat Dam sa 172.85 meters.

Ito’y sa kabila naman ng malimit na pag-ulan sa nakalipas na mga araw.

Nauna nang sinabi ng Pagasa, na malapit na rin nitong ideklara na opisyal nang pumasok ang tag-ulan sa bansa.

Tinatayang 97 porsiyento ng tubig sa Metro Manila ay kinukuha mula sa Angat Dam, samantalang tinatayang 27,000 hektaryang palayan ang umaasa sa tubig mula sa Angat Dam.

Idinagdag ng Pagasa na bumaba rin ang water level noong Linggo sa iba pang mga dam, kabilang na ang Ipo, 100.37 mula sa dating 100.44 meters; Binga, 570.84 mula sa dating 571.04 meters; San Roque, 236.00 mula sa dating 236.37 meters; at Magat, 181.9 mula sa dating 182.34 meters.

Read more...