Enchong Dee pasok bilang PBB housemate: Handa na ko!

enchong dee

Si Enchong Dee ang 12th housemate na papasok sa Bahay Ni Kuya. Ito ang inihayag kahapon ng binata sa ASAP matapos ngang ibalita ni Robi Domingo na magiging bahagi si Enchong ng Pinoy Big Brother 10th anniversary edition.

Napili ng ABS-CBN management si Enchong para maging isa sa segment hosts ng PBB, siya ang bagong makakasana nina Robi, Toni Gonzaga at Bianca Gonzalez sa pagbibigay ng updates tungkol sa nasabing reality show simula kagabi.

“Sa pagbubukas po ng Bahay ni Kuya, may bago kaming makakasama nila Bianca and Toni sa paghahatid sa inyo ng mga latest happenings sa pinakasikat na bahay sa buong bansa,” sey ni Robi.

Pero dahil may twist nga ang pagsali ni Enchong sa PBB, kailangan niya munang pumasok sa Bahay ni Kuya at maging housemate, “Sa lahat ng fans ng PBB,’ako po si Enchong Dee at ako po ang pinakabago niyong host.

Pagsisikapan ko po na sana magustuhan niyo ang gagawin ko sa PBB and hindi kop o kayo bibiguin. Paghihirapan ko po ang trabahong ito.”

Inamin ng binata na kinakabahan siya sa pagpasok sa PBB, pero aniya, “Nakapag-decision na ako. Nung tinanggap ko itong PBB, handa po ako kung ano ‘yung mga saklaw nitong show na ito. Sana magustuhan po niyo ito.”

Read more...