Pokwang maligaya sa dyowang Kano, kasal at baby na ang kasunod

pokwang

Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ni Pokwang habang iniinterbyu namin siya sa ginanap na Open Kitchen: The Best Kept Recipes of the Stars sa UP Town Center Amphitheater noong Sabado. Kasama kasi ni Pokey ang kanyang American boyfriend na si Lee O’Brian.

Isa ang komedyana sa mga celebrities na naki-join sa nasabing star-studded food bazaar kung saan nga ibinandera at pinatikim nila sa madlang pipol ang kanilang mga “secret recipes”.

Patok na patok ang laing ni Pokwang sa mga pumunta sa Open Kitchen na pinaka-favorite raw ni Lee sa mga niluluto ng kanyang partner.

Ayon kay Pokwang, mula nang dumating sa Pilipinas si Lee ay hindi pa ito bumabalik sa Amerika. Mukhang ine-enjoy talaga nito ang iba’t ibang lugar sa bansa kasama si Pokey.

In fairness, ang sweet sweet ng magdyowa habang nakikipag-usap sa press. Sabi ng namin, mukhang natagpuan na ni Pokwang ang kanyang forever.

Sey naman ng komedyana, talagang ipinagdasal niya ang pagdating ni Lee sa buhay niya. “Naniniwala ako na lahat ng bagay nakukuha sa dasal. Sa ngayon, chill lang kami, relax-relax.

No pressure kumbaga. Basta ine-enjoy lang namin kung anumang meron kami,” sey ni Pokey. Tinanong si Pokwang kung may plano na silang magpakasal ni Lee, ang tugon ng komedyana, hindi naman daw nila minamadali ang kasal, naniniwala kasi siya na kung talagang doon mauuwi ang kanilang relasyon, mangyayari at mangyayari ito. Sey naman ni Lee, “Not now.”

Read more...