Tatay ni Liza nakiusap kay Enrique: Wag mo munang ligawan ang anak ko!

liza soberano

MISMONG ang tatay pala ni Liza Soberano ang nakiusap kay Enrique Gil na maghintay ng tamang panahon bago sila magseryoso sa kanilang relasyon.

Ayon kay Liza, talagang kinausap ng masinsinan ng kanyang tatay si Enrique para sabihin na sana’y hintayin nito ang tamang oras kung kailan puwede nang makipagrelasyon ang kanyang anak.

Huwag daw silang magmadali dahil mga bata pa naman sila. “May understanding na bawal pa talaga. My dad talked to him about that na sana hanggang maaari work muna, wait for me to be fully ready.

When the right time comes and sabi naman niya he’s willing to wait,” ang sabi ni Liza sa isang TV interview. Ito’y matapos ngang kumalat ang chika na may mutual understanding na ang magka-loveteam.

Ayon kasi kay Enrique, nakapag-usap na sila nang seryosohan ni Liza at may unawaan na raw sila. Pero ayon naman kay Liza, ang ibig sabihin daw ni Enrique sa “understanding” nila ay ang paghihintay ng binata kung kailan talaga siya magiging handa sa pagpasok sa isang seryosong commitment.

“May understanding na I have to wait but she also understands na special siya sa akin. Siya lang, alam niya yun. Sa akin naman kahit wala namang label okay lang sa akin basta special siya sa akin,” chika pa ni Liza.

Samantala, hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang video ng pagkikita ni Liza at ng kanyang ina sa Amerika kung saan nagkaroon ng international screening ang blockbuster movie nila ni Enrique na “Just The Way You Are”.

Marami ang na-touch sa nasabing video, in fact may mga fans din si Liza na napaluha rin dahil ramdam na ramdan nila ang pagmamahal ng dalaga sa nanay nito na matagal na niyang hindi nakakasama.

Kaya naman mas marami pang humanga sa young actress dahil sa pagiging mabuti nitong anak. Sana nga ay mapangatawanan niya ang pangako sa mga magulang na magpapayaman muna bago ang pagbo-boyfriend.

At sana nga ay hindi magsawa sa paghihintay si Enrique kay Liza dahil sayang ang magandang nasimulan nila kung mauuwi lang sa wala ang magandang relasyong nasimulan nila.

Read more...