Sey mo Mega…KC nakahanap ng kakampi, laging kasama si Gabby

sharon cuneta

MULA nang mapabalitang nagkatampuhan ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, some people in the know whispered to us na madalas magsama ngayon ang mag-amang Gabby Concepcion and KC.

Maaaring kumukuha si KC ng moral support from her dear dad dala ng kanilang personal rift ng kaniyang mom. Sa amin naman, we don’t see anything wrong with that – in the first place tatay naman niya si Gabby at marapat lang na nagkikita sila regularly, di ba? After all, daddy’s girl din naman talaga si KC at pag magkasama sila ay para silang pinagbiyak na bayabas. Ha-hahaha!

The other night, sinamahan namin ng anak-anakang Michael Pangilinan, Tito Rene Villanueva (Tourism Director ng Guiguinto, Bulacan) and Richard Pinlac si Daddy Henry Chua sa kaniyang advance birthday celebration sa Gloria Maris sa Greenhills sa paanyaya ng kaniyang beautiful and sobrang bait na wife na si Mama Lily.

Tamang-tama lang ang late dinner naming iyon because tatawid pa kami that night sa Music Museum para sa guesting ni Michael sa B-Naked Elite Model Search ng anak-anakan nating si Joed Serrano.

On our way out, tinuro sa akin ni Michael na nandoon sa dinaanan kong table si Gabby Concepcion at nang lingunin ko, nagkagulatan pa kami ni Gabo.

Kasama ni Gabby ang magandang wife nitong si Gimbee with their daughter na tulog na sa silya with beautiful KC on his left. Lumapit ako at nagkatsikahan with them for a while.

“Tito Jobert ha…” birong-pangungunsensya sa akin ni KC habang niyayakap ko siya from the back sa kaniyang upuan. Paulit-ulit niya akong binibiro ng “Tito Jobert ha” referring to the pangaral ko sa kaniya sa columns ko and radio show regarding her rift with mom Shawie.

“Kumusta na kayo ng mommy mo?” bulong ko sa kaniya. “Tito Jobert ha”, ang natatawang sagot na naman niya. Puro ganoon na lang, baby? Ha-hahaha!

Napagmasdan kong talagang very sweet ang mag-amang KC and Gabby and seems like dito kumukuha si KC ng lakas, kumbaga, nakahanap ng kakampi. Pero nandoon pa rin sa puso ko ang dasal na sana’y magkaayos sila ng mommy niya.

Tampong pururot lang iyan.Natural lang sa mag-anak ang mga ganyang eksena and seems like in due time ay maaayos din ang gusot sa pagitan nina KC and Shawie. After all, sobra namang nagmamahalan ang mag-inang iyan.

Read more...