Madlang pipol naglaway sa ‘Dirty breakfast’ nina Juday at Ryan

judy ann santos

Successful ang 3-Day Open Kitchen: Best Kept Recipes of the Stars na ginanap sa UP Town Center Amphitheater noong Sabado simula 10 a.m. hanggang 11 p.m. na nagsimula noong Biyernes hanggang kahapon.

Sobrang lakas ng ulan at pinasok mismo ang amphitheater ng UP Town Center pero hindi ito naging dahilan para umalis ang mga tao dahil gusto nilang matikman ang lahat ng recipes ng mga artistang nakiisa sa event.

Kabilang sa mga celebrities na nag-participate sa Open Kitchen ay sina Vice Ganda (Vice Toppings), Priscilla Mereilles-Estrada’s (pasta), Paul Jake Castillo (lechon Cebu), Paolo Valenciano, Lovi Poe, Angeline Quinto (barbque), Maricar Reyes-Poon (choco liquor cake), Pokwang (laing at suka), Richard Yap (home cook meals), JC de Vera (burger and crispy bacon), Isabelle Daza, Anthony Taberna, Sam Milby (ice cream), Mel Martinez (Cucina ni Bunso), Aiza Seguerra at Liza Dino (adobo) at Judy Ann Santos-Agoncillo (dirty breakfast).

At dahil sa sobrang trapik at lakas ng ulan ay naantala ng dating ang mag-asawang Ryan at Juday para ipatikim ang famous dirty breakfast na niluluto raw ng aktres para sa asawa, isa na nga rito ang corned beef sandwich with egg, “Kaya dirty breakfast kasi pagkatapos ni Ryan ng daily workout niya ay kumakain na siya ng niluto ni Juday na breakfast without cleaning himself muna,” kuwento ni Mommy Carol Santos sa amin.

Ubos ang niluto ng mag-asawa at sa katunayan ay kinulang pa ang dala nilang 100 packs kaya napilitan pa silang mamili sa grocery para magluto pa. Bestseller din ang Judy Ann’s Kitchen Book niya sa nasabing event.

Nakausap namin ang organizer at nakaisip ng events ng Open Kitchen na si Deo Endrinal na may-ari naman ng Twist Restaurant, “This is to help them promote their product.”

Ang mga natikman namin sa Open Kitchen ay ang choco liquor cake ni Maricar, burger and crispy bacon ni JC, barbeque ni Angeline at ang corned beef sandwich ni Budaday. Hindi namin natikman ang laing ni Pokwang (kasama niya sa event ang boyfriend na si Lee O’Brian) at adobo nina Liza at Aiza Seguerra dahil madali raw naubos.

Nakita rin namin doon sina KZ Tandingan at Julia Montes. Paalis na kami nang dumating si Marvin Agustin kasama ang anak na kambal. Dumating din daw sina Coco Martin at Paulo Avelino pero hindi na namin sila nakita.

Read more...